
Para sa mga LGU at Barangay Officials
Tinutulungan ang Barangay at LGU na magserbisyo nang mas mabilis, mas magalang, at walang pila, 24/7. AI + tao, gabay sa bawat residente.
Ginawa ang serbisyong ito para sa mga lider at team na gustong i-modernize ang citizen services nang walang dagdag na workload sa barangay hall.
Para sa mga opisyal na gustong mag-iwan ng legacy ng mabilis, transparent, at maayos na serbisyo publiko.
Para sa mga naghahanap ng centralized system para ma-monitor at ma-manage ang mga concerns ng iba't ibang barangay.
Para mapadali ang trabaho at hindi matabunan ng messages at walk-in concerns araw-araw.
Anumang LGU na gustong i-modernize ang citizen services gamit ang AI at trained professionals.

Bilang opisyal, alam natin ang araw-araw na hamon: mano-manong pag-record ng reklamo, kulang na staff, at tambak na mensahe. Resulta? Bumabagal ang aksyon at nawawalan ng tracking kung naresolba na ang problema ng residente.
Isang fully managed helpdesk solution para sa mga LGUs. Pinagsama namin ang teknolohiya ng AI at ang husay ng aming dedicated Filipino coordinators para asikasuhin ang mga mensahe ng inyong mga residente 24/7.
Hindi na kailangang mag-hire ng karagdagang staff. Ang aming team ang sasagot, magsa-sala (triage), at mag-aasikaso ng mga routine inquiries gamit ang inyong official Facebook Messenger.
Para sa mga opisyal, mayroon kayong sariling dashboard. Dito ninyo makikita ang mga reports, top concerns, at performance metrics na magagamit para sa mas mabilis at epektibong pagdedesisyon.

Isang maikling video para makita kung gaano kabilis at kadali gamitin ang aming platform para sa inyong Barangay.

Simple lang ang proseso para mabilis ang response, malinaw ang escalation, at may reporting na madaling i-present.
Step 1
Magpapadala lang ng mensahe ang mga residente sa official Facebook Messenger ng inyong barangay.
Step 2
Awtomatikong sasagutin, ila-log, at i-oorganize ng AI ang lahat ng concerns para walang nakakaligtaan.
Step 3
Ang aming dedicated team ang magmo-monitor at magpapasa ng mga seryosong isyu sa tamang opisyal.
Step 4
Makikita ng barangay ang buong summary at status ng mga reklamo sa isang madaling gamiting dashboard.
Magandang araw! Paano po kami makakatulong sa inyo ngayon?
May sirang ilaw po sa kalye namin, Brgy. San Jose. Madilim po masyado sa gabi.
Salamat po. Nakuha ko na ang detalye. Ginawan ko na po ito ng Ticket #1024 at ipinasa sa Engineering team.
Ticket #1023
Basura sa kanto
Ticket #1024
Sirang ilaw - Brgy. San Jose
Ticket #1025
Ingay sa kapitbahay
Total Resolved
142
+12% this week
Avg Response
< 2m
Fastest record
"Nag-message si Aling Maria sa Facebook page ng barangay tungkol sa sirang ilaw sa kanilang kalye."
Agad sasagot ang AI na natanggap ang report at gagawan ito ng ticket.
I-ve-verify ng aming coordinator ang detalye at ipapasa ang ticket sa Engineering team ng barangay.
Kapag naayos na ang ilaw, kami na ang mag-u-update kay Aling Maria na tapos na ang trabaho.
Makikita ng Kapitan sa dashboard ang mabilis na pagka-resolve ng isyu.
Hindi lang ito basta software. Ang LingkodHub ay isang kumpletong operasyon. Pinagsama namin ang bilis ng teknolohiya at ang pag-aalaga ng totoong tao para sa walang-mintis na serbisyo.
Walang tulog na sistema. Awtomatikong sasagot sa mga residente, kukuha ng kumpletong detalye, at gagawa ng ticket sa loob ng ilang segundo, 24/7.
Minimum na 5 dedicated staff ang susuri sa bawat reklamo, makikipag-ugnayan sa inyong mga opisyal, at sisiguraduhing may tamang aksyon at follow-up.
Kami na ang bahala sa lahat. Wala kayong kailangang i-train na tauhan o i-hire na bagong staff. Focus lang kayo sa paglilingkod sa komunidad.
Apat na pillars para consistent ang operations, malinaw ang accountability, at may reporting na madaling i-present.
Mas mabilis na serbisyo, mas malinaw na tracking, at mas maayos na reporting para mas confident ang leadership at mas satisfied ang residents.
Nasasagot at naaaksyunan ang mga reklamo ng residente sa loob ng ilang minuto, hindi araw.
Automated ang pag-gawa ng status reports para madaling i-present sa Sangguniang Barangay.
Kami na ang sasagot sa online inquiries para maka-focus ang inyong team sa mga walk-in at urgent na kaso.
Bawat reklamo ay may ticket number. Alam ng residente at ng kapitan ang status ng bawat isyu.
Nagbubuo ng tiwala sa komunidad dahil nararamdaman nila na laging handang tumulong ang barangay.
Hindi na kailangang mag-hire ng karagdagang staff para lang mag-manage ng inyong online helpdesk.

Alam namin ang local context ng governance at citizen services, kaya practical ang workflows, hindi theoretical.
Automation para sa routine, at trained Filipino coordinators para sa mas sensitibo at mas kumplikadong cases.
Sumusunod sa mga regulasyon ng DILG. Nakakatulong ang aming system para mas mapadali ang inyong mga DILG declarations at compliance requirements.
We follow the Data Privacy Act of 2012 (RA 10173) with secure handling, access controls, and clear data practices.
Mas nakakatipid ang LGU dahil hindi na kailangang bumili ng mamahaling hardware o mag-hire ng malaking in-house IT team.
User-friendly ang platform. Hindi kailangan maging tech expert para ma-manage ang dashboard, tickets, at mga reports.
May tanong? Narito ang mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa LingkodHub.
Kami ay isang grupo ng mga Pilipinong dedikado sa pagpapabuti ng serbisyo publiko gamit ang teknolohiya.

Juan 13:16
"Walang lingkod na mas dakila kaysa kanyang pinaglilingkuran."
Founder & Head of Operations

Galacia 5:13
"maglingkod kayo sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-ibig"
Head of Client Success
Trained Coordinators
Trained coordinators na mas pinabilis ng AI, handang tumulong at mag-asikaso ng mga concern ng inyong barangay 24/7.
Gusto mo bang ibahagi ang LingkodHub sa inyong Kapitan o sa buong Sangguniang Barangay? I-download ang aming Complete Info Kit na naglalaman ng lahat ng detalye, mula sa features, benefits, hanggang sa pricing. Isang dokumento na lang, nandito na lahat! Pwede mo itong i-print para madaling i-present sa inyong susunod na meeting.
DOWNLOAD PDF HANDOUTMakita nang live kung paano pinapabilis ng LingkodHub ang pag-asikaso sa mga reklamo. Sa demo na ito, ipapakita namin ang aktwal na AI triage, ang dashboard ng mga opisyal, at kung paano nagtatrabaho ang aming coordinators.
Experience LingkodHub nang libre sa unang buwan kapag nag-avail ng aming 12-month plan. Mag-fill out dito para mag-request ng FREE demo.
Email: support@lingkodhub.com • Phone: +639171202118